Ikaw ba ay naghahanap ng simple business ideas sa maliit na kapital? O interisado ka bang palaguin ang iyong sari-sari store? Ano man ang dahilan, maraming rason kung bakit maganda ang magsimula ng iyong E-load business.
Ito ang top 6 reasons why you should open your Eload business!
Reasons to Open E-load Business
1.The Growing Demand for Mobile Load
Hindi mawawala ang demand sa mobile load sa Pilipinas. Once hailed as the world’s most “texting” country, ngayon naman ay hilig na ng mga Pilipino na magonline surfing na kailangan rin ng data.
Parami ng parami ang mga Pilipino na may smart phone at kakailanganin ang mobile load services, which also means na patuloy na lumalaki ang number ng iyong potential customers.
2.Low Startup Costs and Minimal Risk
Kumpara sa ibang mga small businesses, maliit ang start-up costs na kailangan para sa Eload business. Hindi mo kailangan ng designated na physical space para sa negosyong ito. Kung ikaw ay mayroon nang sari-sari store, kailangan mo na lamang magdagdag ng mga signages or poster na ikaw ay mayroong e-loading services.
Minimal rin ang risk sa mga e-loading services, considering na ang kailangan mo lamang puhunanan ay ang sim at load credits na kailangan mo sa negosyo.
Maituturing na ang tanging overhead cost sa iyong negosyo ay iyong cellphone, na kadalasan ay mayroon na ang karamihan sa atin.
3.Flexibility and Convenience
Given that you do not need a physical store or a designated area for your Eload business, this small business gives you flexibility! Kung ikaw ay may online promotion sa social media, maaari kang mag load sa iyong customer, any time and anywhere!
Ang kagandahan pa dito, walang “strict” time when you need to be open as demand can range from any time of the day. Just make sure to research your target market, spending habits, and daily habits para masaktuhan ang kanilang busiest times.
4.High Profit Margins and Quick Returns
Maniniwala ka ba na ang isang low-risk business ay maaring magkaroon ng high profit margin? Maaaring mahirap paniwalaan sa umpisa, pero totoo ito sa Eload business! Mula sa maliit na puhunan ay maaari ka magkaroon ng malaking tubo.
Quick returns rin ang isang e-load business dahil sa affordable overhead costs nito. Mabilis mo lamang makukuha ang iyong return of investment once your product has been purchased.
5.Reach a Wide Customer Base
Isa pang kagandahan ng isang eloading business ay walang pinipiling customer ito. Lalo na kung mayroon kang loading capacity across major networks (Globe, Smart, and DITO), ay marami ka nang maaaring i-cater na mga customer. Walang pinipiling edad ang load needs, mapa studyante man, gamer, or isang businessman ay lahat nangangailangan ng e-load needs.
6.Empowerment and Financial Independence
Ikaw ba ay naghahanap ng mga business idea as a student or as a part-time business besides your work? Magandang ideya ang loading business.
Una sa lahat, maaari mo maging customer ang iyong mga katrabaho at mga kaklase. After all, lahat yan ay paniguradong busy at mahihirapan maghanap ng ibang mga e-loading counter. Ang low-attention business rin na ito ay hindi mo kailangan tutukan 24/7. Kaya puwedeng puwede ito isabay sa academics man o sa iyong trabaho.
Ito ang mga maaaring rason kung bakit magandang magbukas ng e-load business ngayon sa Pilipinas. If you’re looking for a low-risk and low maintenance negosyo at an affordable capital, ito na ang perfect negosyo idea para sa iyo!